Monday, September 29, 2014

Dito Na Lang

"Kung kaya ko lang sabihing hindi masakit. Kung kaya ko lang sabihing hanggang sa muli. Kung kaya ko lang isiping magbabalik ka parin... Ngunit 'di na. Hanggang dito na lang." 

Sa isang awitin ko na lang maipapahiwatig ang tunay kong nararamdaman sa nangyari sa aming dalawa. Ilang buwan na ang nakalipas nang huli naming napag-usapan na itigil na ang paglabas namin at maging magkaibigan na lang. Ilang araw bago mangyari yun, napapagtanto ko na di ko na lang sasabihin at magpapahinga muna ako. Kahit masaya akong kasama siya, nahihirapan ako na gawan ng paraan para makasama siya. Kumbaga isang linggo o isang buwan ang hirap para sa isang araw na masaya ako. Parang pilit na kasi. At yun rin pala ang nararamdaman niya. Di ko alam. Ang alam ko lang hanggang dito na lang dapat.. Pero mahal ko pa rin siya... Pero di ko alam kung minahal man lang niya ako kahit kailan. 

Di ko alam. Pero kahit ano man ang masagot niya, hanggang dito na lang.