Sunday, April 5, 2015

Sunog na.

Disin mang minsan hilingin ang apoy ay hindi mapawi upang mahabol ang ating mga mithiin.. Ngunit ang nakakaliktaan ang pananatiling buo ng katauhan sa tuwing pagod ay mararamdaman. Pikit-matang pinagpapatuloy ang paglakbay, kibit balikat sa krus na pasan. Di lamang nabatid ang magiging kahinatnan ng patuloy na pagtahak bagamat hapos na.

Sa mga iilang araw na nalalabi. Pilit kong ihahakbang ang landas upang matapos lamang ang paglalakbay. Ngunit sa pagwawakas ng kabanatang ito, ang pagsulat ng panibago. Maaari mang matuldukan ang pagdurusa ng nakaraan, haharapin naman ang pagsubok ng kinabukasan. Kung mangyari lamang huminto ang paligid at makapagliwaliw ng sandali. Maaring makapaghimlay ng sandali. Upang sa sunod na giyera'y buo na muli.

Ngunit di ganyan ang takbo ng buhay. Di titigil ang mundo alang-alang sayo. Di rin iisipin ng iba ang kapakanan mo. Sadyang matira matibay, makain ang mabait. Kung kaya't ngayong gabi labag man sa kalooban ko, magtatrabahong muli at titiisin mga taong bwisit. Dalawampu't limang araw nalalabi. Mawawala sa buhay mga masasamang budhi.